~Philippine- Christian Nationalism Movement 2010~

View previous topic View next topic Go down

~Philippine- Christian Nationalism Movement 2010~

Post  James307 on Sun Feb 28, 2010 4:37 pm

(“As we remember the Philippine Independence [June 12, 1898] the sacrifices of our heroes and with the help of the American people; we gain our freedom and established our country with our faith in God and with action of Filipino people, to gain our right and democracy that we enjoy.”)

Hindi dapat inuuna ng mga opisyal o pulitiko ang pagpapasikat sa mga tao o paghahanap ng anumang papuri, pag- abuso sa kapangyarihan sa pamamahala at sa kasakiman sa kayamanan.

Nakikitang mas kailangan ng bayan ang serbisyo ng uupo sa pwesto sa mga kandidatong ating napili, maraming dapat asikasuhin, imbis na pansariling kapakanan, It’s not too late for Change! Yes.

Kung lahat tayo ay nagkakaisa para sa mabuti tayo ay uunlad at kung may pag- ibig tayo sa ating kapwa tayo ay may malasakit sa kanila, ang respeto sa bawat isa para sa payapang bansa.

May pananalig sa Maykapal at pagkilos na malagpasan natin ang bawat pagsubok at mga problema n gating bansa na turuan ang bawat kabataan at nakatatanda ng magandang halimbawa at itama ang kanilang landas.

Piliin natin ang tapat na mga pinunong may takot sa Diyos, malinis ang pagkatao, at maganda ang layunin para sa bayan na hindi natin pagsisihan sa huli tulad ng mga nakaraang panahon.

Mga minamahal na kapatid at kaibigan, sama- sama nating labanan ang kahirapan, ang korupsyon, ang sugal, prostitusyon, droga, terrorismo at illegal na mga gawain malaki man o maliit.

Ito ang mga pangunahing sanhi ng ating pagdurusa noon at hanggang ngayon. Hanggang kalian tayo magbubulag- bulagan? Hanggang kalian tayo magbibingi- bingihan? Kalian tayo kikilos pag tapos na ang lahat?

Gampanan nawa natin an gating mga tungkulin sa Diyos at para sa Bayan, na walang halong personal o pansariling interest, paglilingkod na maging puro at totoong serbisyo para sa lahat mayaman man o mahirap.

BAWAT ISA AY MAY PANANAGUTAN, TAYO AY MAMAMAYAN NG PILIPINAS. Mga pinoy o ofw, mga katoliko, protestante, muslim etc. nawa ay mawala na ang diskriminasyon at dibisyong hindi naman mabuti ang epekto sa atin at ang crab mentality kundi tulungan nating magtagumpay an gating kapwa sa matuwid.

“Tayo ay tumayo sa KATOTOHANAN at ipaglaban ang KARAPATAN… ng mga kapus- palad, kababaihan, mga street children, katutubo, mga senior citizen, ang mga may kapansanan at mga preso...”

-Tayo na sa BAGONG PINOY- BAGONG PILIPINAS 2010, ang kinabukasan ay nasa ating mga pasya, salita at mga aksyon.

Ito ay isang pagtawag at hamon sa lahat ng mga filipinong nagmamahal sa Diyos at sa Bayan.

(Please pray for Philippine Progression 2010, Liberation of North Korea and Iran, the Haiti recovery and all the world issue.)

Mission/Vision/Goal:

I. To serve God and People.

II. To fight for the truth and stand for the right.

III. Preach the Gospel (Evangelism in the Philippines).

IV. To fight poverty and corruption.

V. Equality and justice.

VI. Stop immorality and evil act.

VII. General Change! (Both Social and Political)

Thank you and God bless…

JESUS SAVES!

(Angeles City, Pampanga.)
avatar
James307

Number of posts : 48
Registration date : 2009-08-24

View user profile

Back to top Go down

View previous topic View next topic Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum