Continuation!!

View previous topic View next topic Go down

Continuation!!

Post  Rhythm on Mon Jul 21, 2008 12:50 pm

Most of us na kukuha ng board exam iniisip kung paano pumasa… That’s a very pathetic way of thinking. Mapuans tayo! We don’t just pass… we TOP! That’s why I will share some inspirational words of Engr. Padilla… Inalter ko lang ng konti para personalized ko. Na-uplift talaga ang pagkatao ko nung narinig ko yun.

Sabi niya, in order to top the board exam, one should follow the P.A.S.S. mentality. Ano ibig sabihin nun?

P - patay kung patay:

Sabi nga ni Rocky Balboa: “It ain’t over till it’s over!” To what implications? Karamihan sa ‘tin, porke’t isang buwan nalang ang natitira for the review at board exam na, umaatras. Takot nang magboard exam. Wag ganun! Ano ngayon kung isang buwan nalang? Mahaba pa naman yun ah… Take this as an example… Do you know why nakilala si Robert Jaworski as a very good coach? Kasi magaling siya sa encouragement sa players. In one game, 26 points ang lamang sa kanila ng kalaban. The problem is 5 minutes nalang ang natitira. For a typical basketball team, kadalasan nadedemoralized na yung mga players. But not for Ginebra… nilaban pa rin nila. At the end of the game, nanalo sila with a lead of 5 points. Another example… naaply ko na rin yan sa paglalaro ng Yugi-Oh cards game with a friend. 600 life points nalang natitira sakin, sa kanya 5800 pa. I have the option to surrender pero hindi ko yun pinili. Believe it or not, nanalo pa ako. Big deal para sakin yun kasi P200 pusta ko sa laro eh…

Masyadong malayo ang mga examples ko para sa inyo pero para sakin ang buhay ay isang komplikadong laro. Kung minsan pa nga eh sugal. Ang dapat niyo lang tandaan, hindi natin alam ang posibleng kahihinatnan ng lahat ng ginagawa natin. Kadalasan kelangan nating magtiwala nalang sa kakayahan natin. Ano ngayon kung isang buwan ka lang nagreview. Diba mas masarap pakinggan yung natalo ka pero lumaban ka hanggang sa huli kaysa sa natalo ka kasi sumuko ka. Think about this…


A – aim:

Ang pangalawa ay aim. Magset ka ng goals mo. Magkaron ka ng mataas na pangarap sa buhay. Pagkatapos i-achieve mo. Mali yung pag-iisip na “sapat na ang simpleng buhay,” “ sapat na ang kumain tayo ng tatlong beses sa isang araw,” at iba pang kasimplehan sa buhay. Palagi nalang simple. Yan ang tinatawag nating MEDIOCRITY.

Let me give you some background in history… Natutunan ng mga Pilipino ang mediocrity sa mga Kastila nung sinakop nila tayo. Ano ba ang sinabi nila? Sinabi nilang masama ang maghangad ng sobra at kasalanan ito sa Diyos. Sinabi nilang amsama ang maging mayaman dahil nga nasulat din sa bibliya na “mas madaling makapasok ang isang baka sa butas ng karayom kaysa sa isang mayaman sa kaharian ng Diyos…” Eh kung hindi ba naman sangkatutak na sira-ulo ang mga Kastila yun… Hindi naman talaga yun ang gusting ipahiwatig ni Jesus sa salitang yun eh. Nabasa niyo ba yung parable of talents? Diba ang lesson dun eh kung anong meron ka, pagyamanin mo…? Dahil sa mga maling turo na yun ng mga Kastila, ano nangyari sa mga sinaunang Pilipino? Naging mga tanga, mahirap pa sa daga, at higit sa lahat, naging sunud-sunuran sa kanila. Yun ang dahilan kaya nila tinuro yun sa atin.

But now I’m opening your eyes to reality. Sige nga… Magbanggit nga kayo ng bansang sinakop dati ng mga Kastila na naging maunlad. Philippines, Mexico, Cuba, Peru, etc.? Diba third world countries ang mga yun? See? No progress at all because of that mentality. Minsan pa nga meron tayong mga narinig na ganitong scenario…
Anak: Nanay, tatay… mag-aabroad po ako para magtrabaho. Para umasenso po ang buhay natin.
Tatay: Hindi ako makakapayag anak… Kahit magdildil na lamang tayo ng asin para may makain, ang importante, buo ang pamilya natin!
Minsan pa nga sa mga probinsya, uso rin yung may luluwas ka nalang ng Maynila para mag-aral, isang baranggay na yung nag-iiyakan sa araw ng pag-alis. No offense sa mga tinamaan ha… Cute bang tingnan? Yan ang reyalidad ng buhay natin sa ngayon.

In relevance to the board exam, mag-aaim ka nalang, lubus-lubusin niyo na… Aim for the top. Mapuans pa naman tayo. Let’s show them that we carry the name; and not the name carries us…


S – solve:

Siyempre hindi naman pwedeng pana’y pangarap lang tayo tapos wala namang gagawing paraan para makamit ang mga yun. Kelangan din nating kumilos. In what way? Diba gusto niyong magtop sa board? Then review… solve problems…

It’s common sense to say that to be on top, we should review. Ang gusto kong sabihin eh kung magrereview na rin lang kayo, magfocus na kayo dun. Best explained ang principle na yan sa analytic geometry. Bakit ang headlights ng kotse parabolic at hindi circular? Tignan niyo sa baba:

Hindi ko macopy paste ang drawing eh. Intindihin niyo na lang.













Gets niyo na kung bakit? Pag circular ang headlight, kalat ang direction ng ilaw… Balak niyo bang ilawan ang buong kalsada? Kahit gamitin niyo ang pinakamataas na wattage ng bumbilya na pwedeng gamitin sa kotse, 50% efficiency pa rin ang kalalabasan niyan. Nagsayang ka lang ng pera. Whereas pag parabolic ang headlight, 100% efficiency dahil ang parabola ay may FOCUS. As a result, isang direction lang ang ilaw.

Ganun din sa pagrereview. Kahit ikaw na ang pinakamatalinong tao sa buong mundo, kung wala ka namang focus you’re not 100% efficient. Saying ang talino mo.

Kilala ang Mapuans sa pagiging matalino… Kung sasamahan pa ng focus sa pagrereview, my golly! Baka maperfect pa natin ang board.


S – schedule

To complete the set, we should also learn how to make a schedule. Mali naman yung wala ka nang ginawa sa buhay mo kundi mag-aral. Kung ganyan ang gagawin mo, balewala rin ang lahat. “All work and no play makes Jack a dull boy.” Sabi yan ng student catalogue natin. The one that was given to us when we were still freshmen. “There’s a time of joy, a time of peace…etc.” yan naman ang Jubilee song noong year 2000. Anyways, ang point ko dito is we should learn how to balance our time. We should make sure that we also have time for other things but not affecting our focus in our study. Masama bang mag-Counter Strike habang nagrereview? Hindi ko gustong patamaan si pareng Lawrence dito OK?

In a study conducted by experts in sociology, it was found out that there is a common habit on most successful people. Alam nyo kung ano yun? Meron silang TO-DO LIST. I’m not joking on this… I-try niyo. How? Just make a list which should be done the previous night or at the beginning of the day. It should contain the things that you should accomplish for the day; for the week; for the month; o kung gusto niyo for the whole year na… With that list, you can assess yourself kung naaaccomplish mo ba yung mga dapat mong gawin.

Paano kung gumawa ka nga nun tapos nakita mong ang dami mong hindi naaccomplish? Don’t give up! Diba nga meron kayong “patay-kung patay” mentality. There is always time. And there are always people around who can help you achieve your goals.



Ngayong nalalapit na ang board exam, sana hindi pa huli ang munting mensahe na ito para magbago ang pananaw niyo sa buhay and to make you improve as a better person. I pray for your success on the board exam.
By Rattanasak Lizardo of CE batch 2003!

Rhythm

Number of posts : 5
Registration date : 2008-07-21

View user profile

Back to top Go down

View previous topic View next topic Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum